Grad-waiting

“Habang papalapit, parang mas lalong lumalayo”
“Ang hirap maghintay.”

Yes. This October, finally, masasabi ko na talagang “graduating” na talaga ako. Hindi ko masabi ‘yang term na yan before, kasi hindi pa naman talaga, pero ngayon kasi nakita ko na sa assessment ko, tatlong subjects nalang plus OJT, tapos ang laban. Salamat po Lord sa walang humpay na biyaya sakin. Kahit na minsan, hindi ko na deserve yung binibigay nyo sakin, You continuously give your grace to me and my family, kaya salamat po ng madami. Madami namang naniwala sakin, madaming sumoporta, kaya gusto ko din magpasalamat sakanila, lalong-lalo na sa Mama ko na never akong pinabayaan, ginipit sa pera at shempre sa pagmamahal sakin ng sobra pa sa sobra. Sa tingin ko, ako lang naman ‘yung nakulangan ng tiwala sa sarili ko because of the failures I’ve experienced before, kahit naman siguro sino, mababawasan ng self-esteem sa nangyari sakin. But still, I am grateful, thankful and blessed.

Nitong nakaraan, hindi ko alam kung ano bang nangyayari samin, mostly, problem sa Thesis and OJT. Ang hirap. Pero isang araw, nitong Monday, pumasok ako sa AdU, may nakasabay ako na schoolmate namin, akala ko graduate na sya peroo hindi pa pala dahil yata sa GenEd subjects niya.  Narinig ko sabi nya “Goodluck! Sabay-sabay tayo!” napasabi nalang ako, “Konting tiis nalang, iiwanan ko na yung Adamson. Masayang goodbye yung mafefeel ko this time, isang masaya, bongga at sariling sikap at tyaga.”

Thesis2, EnviComm, Media Laws at OJT nalang, tapos na lahat. Infairness, madami akong natutunan sa Comm.sobrang dami. Physically, natuto akong mag-ayos sa sarili ko, magkaroon ng sariling fashion statement at taste. Mentally, nachallenge ako dahil hindi madali pumasa dito, napadaming nareject na concepts, storyboards, scripts, pangit na editing, puyat kakashoot, review at practice. Emotionally, natuto akong lumaban, makisama, magpahalaga ng kaibigan, pamilya, academics at lahat. Natuto akong mag-let go ng hindi ko ikakaunlad at tanggapin yung mga failures sa buhay.  Financially, natuto akong magtipid, mag-ipon, maappreciate yung binibigay na baon ng magulang ko na kailangan kong ipunin yun para hindi ako nakatanga sa bakasyon. Madaming gastos sa Comm, sobra, bayad dito, decution dito, ambagan dyan. Hay. unli.
Lastly, Spiritually. ‘Yan talaga yung sumubok sakin, alam ko hindi ko mabattle yung Spiritual aspect ko, pero grabe. Sobrang gusto ko gumawa ng paraan para sa Lord kahit hindi na ako yung nagllead, basta makaworship and thanksgiving ako sakanya, it’ll be worth it.

‘Di ko alam yung nafefeel ko, excited ba ako, natatakot kasi eto nna ‘yun eh, real world na talaga ‘yung haharapin ko, hindi lang basta-bastang mga tao ang makakausap ko soon. Gusto kong patunayan na totoo ang ‘Delayed Success’. Naniniwala ako na hindi pabilisan ang pag-graduate, hindi pabilisan yumaman, hindi pabilisan magka-pamilya, it is about on how much you’ve learned. Kaya sa lahat, proud ako, dahil dito na nagtatapos ang lahat ng hirap ng nanay ko sa gastos sakin, hahaha! Salamat, isang sem nalang!!!

3ohuAAqjNpowLDIU3S

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s