Grad-waiting

“Habang papalapit, parang mas lalong lumalayo”
“Ang hirap maghintay.”

Yes. This October, finally, masasabi ko na talagang “graduating” na talaga ako. Hindi ko masabi ‘yang term na yan before, kasi hindi pa naman talaga, pero ngayon kasi nakita ko na sa assessment ko, tatlong subjects nalang plus OJT, tapos ang laban. Salamat po Lord sa walang humpay na biyaya sakin. Kahit na minsan, hindi ko na deserve yung binibigay nyo sakin, You continuously give your grace to me and my family, kaya salamat po ng madami. Madami namang naniwala sakin, madaming sumoporta, kaya gusto ko din magpasalamat sakanila, lalong-lalo na sa Mama ko na never akong pinabayaan, ginipit sa pera at shempre sa pagmamahal sakin ng sobra pa sa sobra. Sa tingin ko, ako lang naman ‘yung nakulangan ng tiwala sa sarili ko because of the failures I’ve experienced before, kahit naman siguro sino, mababawasan ng self-esteem sa nangyari sakin. But still, I am grateful, thankful and blessed.

Nitong nakaraan, hindi ko alam kung ano bang nangyayari samin, mostly, problem sa Thesis and OJT. Ang hirap. Pero isang araw, nitong Monday, pumasok ako sa AdU, may nakasabay ako na schoolmate namin, akala ko graduate na sya peroo hindi pa pala dahil yata sa GenEd subjects niya.  Narinig ko sabi nya “Goodluck! Sabay-sabay tayo!” napasabi nalang ako, “Konting tiis nalang, iiwanan ko na yung Adamson. Masayang goodbye yung mafefeel ko this time, isang masaya, bongga at sariling sikap at tyaga.”

Thesis2, EnviComm, Media Laws at OJT nalang, tapos na lahat. Infairness, madami akong natutunan sa Comm.sobrang dami. Physically, natuto akong mag-ayos sa sarili ko, magkaroon ng sariling fashion statement at taste. Mentally, nachallenge ako dahil hindi madali pumasa dito, napadaming nareject na concepts, storyboards, scripts, pangit na editing, puyat kakashoot, review at practice. Emotionally, natuto akong lumaban, makisama, magpahalaga ng kaibigan, pamilya, academics at lahat. Natuto akong mag-let go ng hindi ko ikakaunlad at tanggapin yung mga failures sa buhay.  Financially, natuto akong magtipid, mag-ipon, maappreciate yung binibigay na baon ng magulang ko na kailangan kong ipunin yun para hindi ako nakatanga sa bakasyon. Madaming gastos sa Comm, sobra, bayad dito, decution dito, ambagan dyan. Hay. unli.
Lastly, Spiritually. ‘Yan talaga yung sumubok sakin, alam ko hindi ko mabattle yung Spiritual aspect ko, pero grabe. Sobrang gusto ko gumawa ng paraan para sa Lord kahit hindi na ako yung nagllead, basta makaworship and thanksgiving ako sakanya, it’ll be worth it.

‘Di ko alam yung nafefeel ko, excited ba ako, natatakot kasi eto nna ‘yun eh, real world na talaga ‘yung haharapin ko, hindi lang basta-bastang mga tao ang makakausap ko soon. Gusto kong patunayan na totoo ang ‘Delayed Success’. Naniniwala ako na hindi pabilisan ang pag-graduate, hindi pabilisan yumaman, hindi pabilisan magka-pamilya, it is about on how much you’ve learned. Kaya sa lahat, proud ako, dahil dito na nagtatapos ang lahat ng hirap ng nanay ko sa gastos sakin, hahaha! Salamat, isang sem nalang!!!

3ohuAAqjNpowLDIU3S

Advertisements

KDrama vs Filipino Teleserye

Not everyone understands why most of the girls (and some of the boys) go crazy with Korean Drama (KDrama). Sinasabi kasi nila, “Mga te, ‘di nyo nga naiintindihan magsalita yang mga yan e. Asa kayo sa subtitle!”

200

Mamshie, pakinggan nyo muna ang side namin. Hahahaha! Betcha wanna know why we (yes, I do watch KDramas 😀 ) go crazy and just devote our time (probably 3-5 hours per day by just merely watching some of our Oppas) 😀 Here are 7 reasons why Kdrama is conquering Pinoys!

  1. It distress you. – Yes, KDramas are one of the best things to do to shaken up your mind and it gives you relaxation by just watching a cute and ‘kilig’ scene. (Sarangheyo, Oppa!) 😀 It allows you to forget your problem for the mean time and redirect your attention with their creative and unusual story plot. (not your usual na-kidnap si Cardo, nakulong na tapos nakalaya ulit then kita tayo ulit sa hide out na never nalaman ng police. Aigoo, Philippine Teleseries are so predictable)
    good net stuff.gif
  2. Cute Story Line. Unusual, creative, unexpected, name it! Korean Scriptwriters and Researchers are the best! Nakakakilig, nakakainggit and at the same time, best casting of all time! ❤ Sa PH? Okay, KathNiel. Jadine. LizQuen. DongYan. AlDub. T@ng*n@. Nakakasawa.-_- Wala na bang iba???
    lol
  3. Your-Boy-Next-Doors. — Badboy character? Check. The Pogi-Na-Anak-Ng-Hari? Check. History Character Hunks? Check. Name it, madaming gwapong Oppa sa Korea. (Hay.) tho, dito din naman satin, madaming ganun pero.. Sila-sila lang talaga bida? -_- Iyak na tayo. Give chance to others!
    gong yoo.gif gong yoo 2.gif
  4. The Kaabang-Abang scenes. Yes, ganito din naman sa PH, pero juzq Mami, nakakastress po ang Teleserye ngayon sa Pinas, ang ikli na nga air time dahil nilamon na ng commercial yung airtime nyo, nakakastress pa yung story! Unlike sa Kdrama, ang galing nila sa “Abangan sa Next Episode” Jusko, that’s why madaming nagkaka-eyebags habang may pinapanuod na KDrama e, you have to watch and be patient! (Lalo na kung on-going yung series? Dai, I cannot wait for next week para mag-upload sa KissAsian or Boxasian) ‘Di ka nila papatulugin, and while you are lying on your bed, you’re asking “Sh*t, ano na ba mangyayari sa Goryeo? Magiging Hari ba sya?” Ganon!
    shookt.gif
  5. You can relate to the story at some point. — Sa PH Drama, oo nakakarelate ka minsan, pero super predictable na kasi kung sino magkakatuluyan, minsan nga hinuhulaan mo na kung ano mangyayari next week eh. So parang imbis na makarelate ka, ikaw na yung nagdidirect kung ano mangyayari dahil usual na satin yung setting. Pag ayaw nung Byenan sa asawa, mag-aaway sila. -_- wala bang about culture naman tayo sa Pinas? Sa KDrama, kahit sa anong panahon pa yan, mapa-history story yan, Dai, relate ka! Ang gagaling umiyak. 😀
    mindblown.gif
  6. Cinematography. Sa PH, p*ny*t@, twerk it like Miley yung peg nung sa ‘Ang Probinsyano’  (zoom in, zoom out? KALOKA.) Hindi naman akma minsan na mag-zoom in, pero bakit? Bakit kailangan i-zoom in? ‘Di ko magets. :(– Sa Kdrama? Sh*t naman, Goblin, Scarlet heart palang taob na tayo. tara uwi.
    matrix.gif
  7. OST Ear cleaner- Sa KDrama, nakakakilig yung scene lalo na pag yung OST nila, swak na swak sa eksena. Usually, kakaiba and bago talaga yung gawa na kanta nila para lang dun sa series na yun. Sa PH? “KUNG WALAAAAA KA NG MAINTINDIHAAAAN..” New rendition lang nung mga lumang kanta tapos gagawing title nung series tapos yun na yung OST nila! Example? “OTWOL” (Don’t get me wrong, maganda story line ng OTWOL, so far isa sya sa unusual story na meron tayo) kaso, ‘di ba? Yung title nung series nila at “On the wings of Love” anong OST? Shempre! On the wings of love din! -_-
    facepalm

Pwede bang gumawa sila ulit nung gaya ng “My Husbund’s lover, Destiny Rose, The Richman’s Daughter” mga ganon? Unusual story plot? Pwede kaya? Kasi ha, sa ngayon, iniiwasan ko muna manuod ng Teleserye mapa-umaga, hapon o gabi sa TV. Nakakastress sila. 😦 Gaya nung kina “A love to last”, I don’t have anything na against ako sa story, maganda sya, pero bes.. Nakakagigil na minsan si Miss Iza, I mean, ikaw ang unang gumawa ng kalokohan, ikaw pa galit? Homaygahd. — Wala ng magaan na kwento at medyo brutal na sila minsan. Meron pang 4 yung nanliligaw, tapos biglang naging 8 na. Ano yun? -_- Diyosa? Dinaig pa Encantadia? -_-
eye roll.gif

Sana lang talaga, once na matapos na ako sa MassComm, makagawa ako ng story line na unusual, yun bang magaan pero hindi predictable. Cute cute lang, para pampawala ng stress. Promise, pag ako naging writer, walang kidnapan, walang patayan, walang sabunutan, walang palitan ng anak at kung ano pa man. Utang na loob. Please lang ho. 😀

“Last na, promise.”

Nasabi mo na ba sa sarili mo yan? Nakipagdeal ka na ba sa sarili mo na minsan mo ng nasabi yung katagang “Last na ‘to, promise.” — Aminado ako, madalas akong makipag-bargain sa sarili ko, minsan pa nga sa pagkakataon.

  • Last na episode nalang, promise.
  • Last na cutting nalang kay Sir, promise.
  • Last na text ko nalang sakanya ‘to, promise.
  • Last na yosi/inom ko na ‘to, promise.
  • Last na lamon ko na yung kanina, magdidiet na ‘ko, promise.
  • Last game na, gagawin ko na thesis ko mamaya, promise.
  • Last chance na, pag ‘di pa sya tumino, iiwan ko na sya, promise.
  • Last rice na, bukas aalisin ko na rice ko sa diet ko, promise! *Calls the waiter and says “Ate limang takal pa po ng kanin”
  • etc. [punyeta]

Merong isang variety show sa Korea [1박 2일] and ang challenge ng episode na yun ay “Quit Smoking Challenge”, 5/6 members ng show ay chain smokers. Sabi nung isa dun “Bago tayo pumunta sa lugar na ‘yun, magyoyosi muna kami for ONE LAST TIME.” [shempre, in Korean po ha. Char] Going back, so ayun ang gusto nilang deal sa director nila, ang sagot naman nung director nila “May nakausap ako na Psychologist, ang sabi nila ang “One Last Time” na deal ay hindi effective para magbago.” Natawa nalang ako.

facepalm.gif

Akala siguro natin, once we had this thing for ONE LAST TIME, mababawasan yung pagkamiss natin sa isang bagay, para ba masabi mo na sa sarili mo atleast bago man lang mag-cut-off ang lahat, may last memory ka sakanya/dun sa bagay na yun. Pero gaya nga ng sabi nung director, hindi effective yun.

If you wanted to change something, do it NOW. Alam kong hindi madali pero, kailan mo susubukan? Kung hindi ngayon, kailan? May mga justifications ka pa kasing magagawa nyan in case na hindi mo gawin ngayon eh unlike pag nagawa mo na sya ng no buts, no ifs, matutupad mo kasi you didn’t promise, you just did it and for me, mas effective sya. ‘Wag mo na din kami idamay sa mga kasinungalingan mo, ‘wag ka nalang mangako.

 

Panahon

Perfect timing. Yan ang kulang sa bawat pagkakataon na namimiss natin sa buhay natin. “Kanya-kanyang oras lang yan!” — Yan nalang iniisip ko. Na hindi lahat ng bagay na gusto ko, nakukuha ko. Na kung kailan ko gustuhin, makukuha ko na. Minsan, hayaan mong Diyos na gumawa nung mga bagay na ‘di mo kayang kontrolin. Minsan humiga ako sa kama ko, naisip ko “Grabe, ang bilis ng oras. Para tayong hinahabol ng oras, panahon at pagkakataon.” — Alam mo yun, sa kakaisip mo sa mga bagay na kailangang gawin, ayusin, unahin, puntahan, mga deadline na kailangan ma-meet, minsan sarili mo na yung nagiging dead. Masyado tayong nagmamadali sa mga bagay. Madami tayong gustong gawin, mga bagay na gustong maabot, mga pangarap na gustong mapagtagumpayan, pero nalilimutan nating huminto sa takbo ng oras.

Minsan, mas iniisip natin ang iba, yung ikabubuti ng iba, ang iisipin nila, pero yung ikaw, sa sa sobrang kakahabol mo sa karerang hindi mo naman alam ang kahahantungan, kung kailan at saan matatapos, minamadali natin lahat ng bagay. Oo, masasabi kong nagdadasal ka, to stop for a while and talk to the Creator. Pero, naisip mo na bang kumustahin kung “Kumusta ka na ba talaga?”

Sa sobrang kakaisip, mabilis nalang dumadaan ang mga araw, nalilimutan mo ng i-enjoy ang moment. Bakit nga ba hindi mo yakapin yung pagkakataon habang hawak mo pa sa mga kamay mo yan? Bakit hindi mo i-seize ang moment na pwedeng-pwede naman? Bakit ka nagmamadaling i-fast forward ang buhay mo? Bakit hindi mo yakapin yung mga kasiyahang andyan na sa harap mo, magtatanong ka pa kung “Bakit kaya ako masaya ngayon?” — Hawakan mo ang kamay ng Diyos, lalo na sa mga pagkakataong mas mahirap humawak sakanya. Maniwala ka sa sarili mong kaya mo, lalo na sa mga pagkakataong pakiramdam mong wala ng maniniwala sayo.

Inayos tayo masyado ng paniniwala natin sa “Leap of faith.” Sa sobrang bilis nito, nalimutan mo ng mabuhay. Pero, paano mo malalaman na perfect timing na kung masyadong mabilis ang lahat? YOU  NEED TO FEEL THE TIME. MAG-AKSAYA KA NAMAN KAHIT 15 MINUTES OF YOUR TIME.

Perfect timing, leap of faith, destiny, meant to be, oo– iisa lang naman ang bagsak nyan, sa oras na hindi mo hawak kung kailan. Kaya i-surrender mo nalang yung worries mo sandali humiga ka sa kama mo, pumikit ka, damhin mo ang bawat hininga at pagtibok ng puso mo, saka mo kumustahin ang sarili mo sa nakaraang panahon. Makikita mong mas matatag ka na ngayon, mas malakas at mas alam mo na ang ginagawa mo. Dahil sa konting panahon na ibinibigay mo sa sarili mo, para kang nag-flashback sa panahong hindi pa ganun kahalaga ang oras na meron tayo.

“There are two kinds of love in this world, but never the same love twice”

Sabi yan ni Fritz Gerald, nakuha ko sya sa movie na “That Thing Called Tadhana”. Well, maganda yung meaning for me, that we have kinds of love, being loved and loving the person. Minsan lang talaga, one sided, yung tipong hindi kayang i-reciprocate ka agad. Eto yung feeling na, para ka lang inalok ng pagkain pero hindi ka naman bibigyan. Na para bang binigyan ka ng free taste sa mall tapos nung bibili ka na nung product, ubos na pala.

I just wanted to share how I was so stupid back then to love a person that loves someone else. Nakakagago, nakakainis. Bubulong ka nalang sa sarili “Sh*t g@go, ang tanga mo.”

We started this thing, 5 years ago, gusto ko lang i-share kasi, ito yung pinakamalakas yung impact sa life ko that no matter how hard I try to forget it, meron parin syang pain whenever I have to remember it. Bakit “Whenever I HAVE to remember it?” — kasi, pag hinihingian ako ng advice, I still try to remember the feeling, how it hurts you deep down into your soul and how it tears your heart into pieces. Sa loob ng 3 months na landian, aminado naman ako, ako yung mas nagmahal, kaya ang ending? Ako yung mas nasaktan.

Isipin mo nalang na nakuha mo na yung pinakagusto mong bagay, ‘di ba, once we had to taste the flavor of success and happiness, gusto natin, tuloy-tuloy na? Pero imagine how it sucks to feel na bigla nalang mawawala? Na mapupunta sa iba yung pinaghirapan mo? Damn, ganun kasakit, ganun kabigat. Probably, we are having this kind of notion na “Pag naexperience ko na yung best sa buhay ko, nakakatakot na i-let go, baka kasi hindi na maulit pa.” Kaya tayo naman ‘tong si tanga, habol pa ng habol sakanya.

But please, give yourself a favor. Kung hindi na nakakatulong ang isang bagay o isang tao sa buhay mo and it kills you softly, please.. Bumitaw ka na. Maniwala ka sakin, masakit sa una pero kailangan mo bumigay, kailangan mo ma-experience ang failed relationship for you to experience pain. ‘Wag mo itanong sakin “Bakit kailangan pa natin mafeel yung pain?” — Because it’s part of your life, you need to feel pain, pain is inevitable nga daw, ‘di ba? You have to place yourself in the shoes of someone else sooner, and as you look back on the time you chose yourself over that son of a b*tch guy, you’ll realize “T@ng!n@, tama pala yung ginawa ko, buti nalang.”

Remember this people, life goes on kahit mawala sya. Life will continue its cycle and you won’t die by just merely letting go of this person. Yes, masakit. Pero mas masakit yung araw-araw kang pinapatay. Sabi nga sa kantang “Ikot” ng Stonefree..

“Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo, hindi ‘to hihinto para lang sa iyo”DkMh4T2AGEZ0I.gif

Love story

Love – Noun – A story that deals with love

How can a person say his own ‘love story’? How are they able to say that ‘Hey this is my love story.’ What are their classifications and where do they start to tell their stories? What makes every love story unique from the others?

Love? That’s b*llsh*t, Man. Paano mo masasabing unique ang love story mo at hindi mo lang ginaya yan sa isang teleserye na napanuod mo years ago o nabasa mo sa novel nila John Green at Nicholas Sparks? Paano mo masasabing ang love story mo ay ‘legit na lovestory?’

Sa dinami-dami ng nakafling mo o naka-MU o kung ano pa man ang gusto mong itawag diyan, posibleng maiconsider na ‘love’ na yan. Nagtataka din ako sa iba, pag tinanong mo sila kung ano ba ang love story ng buhay nila, hindi nila alam kung saan sila mag-uumpisa. Ano yun? Dahil sa madami ka ng minahal ate kaya hindi mo na alam kung saan ka mag-uumpisa? Ni hindi nila alam kung sino ang ikwekwento nilang phase ng buhay nila. Tsss, ‘wag ako ‘te. ‘Wag ako.

Yung iba naman, pakipot pang sasabihin na ‘Uy, ‘di pa ako nagkakalovelife, eh’ — o yung mga babae/lalaking sinasabing ‘NBSB/NGSB ako’ — pakielam ko dyan, so never ka pang na inlove? Never pang tumibok ang puso mo sa isang lalaki/babaeng nakita mo sa isang bar o sa church o sa school o pwedeng sa office? As in never pa? C’mon!

Pero pag ako yung tinanong nila kung ano ba ang love storyng buhay ko, napagtanto kong tama pala sila. Totoong minsan, hindi mo na alam kung ano ang ikwekwento mo dahil sa daming beses mo ng nasaktan, nabigo, iniwan sa ere at ginago ng hayop na taong yun na pinangakuan ka na mamahalin ka at ‘di pababayaan pero ngayon halos katabi mo na yung clouds dahil naiwan ka nga sa ere ng hindi mo alam. Hindi ko na rin alam kung sino yung ikwekwento ko dahil sa ngayon, wala namang nagpapasaya sakin, wala namang kumukulit sakin, kaya pag tinanong nila ako, wala din akong maisagot. Pero mali pala ako dun.

Dapat pala, pag tinanong ka kung ano ang love story mo, isipin mo yung panahong naging masaya ka, kung paano ka kinilig sa isang simpleng bagay na nagawa nung taong yun sayo, Kung paano ka ngumiti ng wagas at kung paano mo hinampas yung kaibigan mo sa braso dahil nga sa inlove ka sakanya, isang text lang, kinilig ka na agad. — Ang ikwento mo yung sa tingin mong nagmarka talaga sa puso mo. Hindi lang eto yung basta alaala na nasaktan ka. Siguro, ang totoong love story ng bawat tao ay pwedeng may halos parehong-pareho ng concept, pero magkaiba ng nadama sa panahon na ‘yun. Ang totoong love story ay hindi sa tagal, sa haba ng pinagsamahan at sa kung ano ang ending ninyong dalawa, ang totoong love story ay yung stage na inlove ka, kung ano yung dinaanan nyo nung panahon na yun, kung paano nyo nalagpasan lahat ng hirap. Wala naman sa tagal yan para masabi mong love story na sya. Sus naman, may isa ngang kanta na ‘Isang Linggong Pag-ibig’, eh!

Hindi na siguro importante kung kailan, saan, kung kanino o sino pa ang mga nakasaksi na nagmahal ka, dahil ang importante, nagamit mo yung puso mo, hindi lang basta taga-pump ng dugo sa buo mong katawan kundi nagbigay din sayo ng inspirasyon, kilig at saya. Sayang naman ang oras na meron ka sa mundo kung sasabihin mo saking hindi ka pa nainlove kahit kailan. Hindi ko sinasabing mainlove ka na ngayon, hindi. Ang akin lang, darating yang mamahalin mo, kahit hindi ka pa handa magkwento, kahit hindi ka pa handa magmahal ulit, pero palagi mong tatandaan na ang mga taong nahagkan at ang mga aalalang dumaan ay magiging parte parin ng love story mo. Ikwento mo, ‘wag kang mahiya. Walang masama sa magmahal kahit mag-isa ka lang na nagmamahal, walang masama kung ikwento mong minahal mo yung boyfriend ng bestfriend mo. Walang masama sa magmahal, ang masama lang ay yung babalewalain mo ang dignidad mo para lang dyan. Pre, hindi yun worth it.

Magmahal ka. Magmahal ka ng magmahal hanggang sa matutunan mong mahalin din lalo ang sarili mo. Magmahal ka at magkwento hanggang sa umabot yang kwento mo pati sa mga apo mo. Cherish your time, gamitin ang puso at hindi puro kalandian. Dahil pag nagmahal ka, puro kabutihan ang maiisip mo at hindi puro kabastusan, dahil pag mahal mo, lahat ng best para sakanya at hindi yung makakasira sa future ninyong dalawa.  Magmahal ka at magkwento habang may oras ka pa, dahil pag naubos na yung meron ka dito, sino nalang ang makakarinig ng bawat kwento mo?