Grad-waiting

“Habang papalapit, parang mas lalong lumalayo”
“Ang hirap maghintay.”

Yes. This October, finally, masasabi ko na talagang “graduating” na talaga ako. Hindi ko masabi ‘yang term na yan before, kasi hindi pa naman talaga, pero ngayon kasi nakita ko na sa assessment ko, tatlong subjects nalang plus OJT, tapos ang laban. Salamat po Lord sa walang humpay na biyaya sakin. Kahit na minsan, hindi ko na deserve yung binibigay nyo sakin, You continuously give your grace to me and my family, kaya salamat po ng madami. Madami namang naniwala sakin, madaming sumoporta, kaya gusto ko din magpasalamat sakanila, lalong-lalo na sa Mama ko na never akong pinabayaan, ginipit sa pera at shempre sa pagmamahal sakin ng sobra pa sa sobra. Sa tingin ko, ako lang naman ‘yung nakulangan ng tiwala sa sarili ko because of the failures I’ve experienced before, kahit naman siguro sino, mababawasan ng self-esteem sa nangyari sakin. But still, I am grateful, thankful and blessed.

Nitong nakaraan, hindi ko alam kung ano bang nangyayari samin, mostly, problem sa Thesis and OJT. Ang hirap. Pero isang araw, nitong Monday, pumasok ako sa AdU, may nakasabay ako na schoolmate namin, akala ko graduate na sya peroo hindi pa pala dahil yata sa GenEd subjects niya.ย  Narinig ko sabi nya “Goodluck! Sabay-sabay tayo!” napasabi nalang ako, “Konting tiis nalang, iiwanan ko na yung Adamson. Masayang goodbye yung mafefeel ko this time, isang masaya, bongga at sariling sikap at tyaga.”

Thesis2, EnviComm, Media Laws at OJT nalang, tapos na lahat. Infairness, madami akong natutunan sa Comm.sobrang dami. Physically, natuto akong mag-ayos sa sarili ko, magkaroon ng sariling fashion statement at taste. Mentally, nachallenge ako dahil hindi madali pumasa dito, napadaming nareject na concepts, storyboards, scripts, pangit na editing, puyat kakashoot, review at practice. Emotionally, natuto akong lumaban, makisama, magpahalaga ng kaibigan, pamilya, academics at lahat. Natuto akong mag-let go ng hindi ko ikakaunlad at tanggapin yung mga failures sa buhay.ย  Financially, natuto akong magtipid, mag-ipon, maappreciate yung binibigay na baon ng magulang ko na kailangan kong ipunin yun para hindi ako nakatanga sa bakasyon. Madaming gastos sa Comm, sobra, bayad dito, decution dito, ambagan dyan. Hay. unli.
Lastly, Spiritually. ‘Yan talaga yung sumubok sakin, alam ko hindi ko mabattle yung Spiritual aspect ko, pero grabe. Sobrang gusto ko gumawa ng paraan para sa Lord kahit hindi na ako yung nagllead, basta makaworship and thanksgiving ako sakanya, it’ll be worth it.

‘Di ko alam yung nafefeel ko, excited ba ako, natatakot kasi eto nna ‘yun eh, real world na talaga ‘yung haharapin ko, hindi lang basta-bastang mga tao ang makakausap ko soon. Gusto kong patunayan na totoo ang ‘Delayed Success’. Naniniwala ako na hindi pabilisan ang pag-graduate, hindi pabilisan yumaman, hindi pabilisan magka-pamilya, it is about on how much you’ve learned. Kaya sa lahat, proud ako, dahil dito na nagtatapos ang lahat ng hirap ng nanay ko sa gastos sakin, hahaha! Salamat, isang sem nalang!!!

3ohuAAqjNpowLDIU3S

KDrama vs Filipino Teleserye

Not everyone understands why most of the girls (and some of the boys) go crazy with Korean Drama (KDrama). Sinasabi kasi nila, “Mga te, ‘di nyo nga naiintindihan magsalita yang mga yan e. Asa kayo sa subtitle!”

200

Mamshie, pakinggan nyo muna ang side namin. Hahahaha! Betcha wanna know why we (yes, I do watch KDramas ๐Ÿ˜€ ) go crazy and just devote our time (probably 3-5 hours per day by just merely watching some of our Oppas) ๐Ÿ˜€ Here are 7 reasons why Kdrama is conquering Pinoys!

  1. It distress you. – Yes, KDramas are one of the best things to do to shaken up your mind and it gives you relaxation by just watching a cute and ‘kilig’ scene. (Sarangheyo, Oppa!) ๐Ÿ˜€ It allows you to forget your problem for the mean time and redirect your attention with their creative and unusual story plot. (not your usual na-kidnap si Cardo, nakulong na tapos nakalaya ulit then kita tayo ulit sa hide out na never nalaman ng police. Aigoo, Philippine Teleseries are so predictable)
    good net stuff.gif
  2. Cute Story Line. Unusual, creative, unexpected, name it! Korean Scriptwriters and Researchers are the best! Nakakakilig, nakakainggit and at the same time, best casting of all time! โค Sa PH? Okay, KathNiel. Jadine. LizQuen. DongYan. AlDub. T@ng*n@. Nakakasawa.-_- Wala na bang iba???
    lol
  3. Your-Boy-Next-Doors. — Badboy character? Check. The Pogi-Na-Anak-Ng-Hari? Check. History Character Hunks? Check. Name it, madaming gwapong Oppa sa Korea. (Hay.) tho, dito din naman satin, madaming ganun pero.. Sila-sila lang talaga bida? -_- Iyak na tayo. Give chance to others!
    gong yoo.gif gong yoo 2.gif
  4. The Kaabang-Abang scenes. Yes, ganito din naman sa PH, pero juzq Mami, nakakastress po ang Teleserye ngayon sa Pinas, ang ikli na nga air time dahil nilamon na ng commercial yung airtime nyo, nakakastress pa yung story! Unlike sa Kdrama, ang galing nila sa “Abangan sa Next Episode” Jusko, that’s why madaming nagkaka-eyebags habang may pinapanuod na KDrama e, you have to watch and be patient! (Lalo na kung on-going yung series? Dai, I cannot wait for next week para mag-upload sa KissAsian or Boxasian) ‘Di ka nila papatulugin, and while you are lying on your bed, you’re asking “Sh*t, ano na ba mangyayari sa Goryeo? Magiging Hari ba sya?” Ganon!
    shookt.gif
  5. You can relate to the story at some point. — Sa PH Drama, oo nakakarelate ka minsan, pero super predictable na kasi kung sino magkakatuluyan, minsan nga hinuhulaan mo na kung ano mangyayari next week eh. So parang imbis na makarelate ka, ikaw na yung nagdidirect kung ano mangyayari dahil usual na satin yung setting. Pag ayaw nung Byenan sa asawa, mag-aaway sila. -_- wala bang about culture naman tayo sa Pinas? Sa KDrama, kahit sa anong panahon pa yan, mapa-history story yan, Dai, relate ka! Ang gagaling umiyak. ๐Ÿ˜€
    mindblown.gif
  6. Cinematography. Sa PH, p*ny*t@, twerk it like Miley yung peg nung sa ‘Ang Probinsyano’ย  (zoom in, zoom out? KALOKA.) Hindi naman akma minsan na mag-zoom in, pero bakit? Bakit kailangan i-zoom in? ‘Di ko magets. :(– Sa Kdrama? Sh*t naman, Goblin, Scarlet heart palang taob na tayo. tara uwi.
    matrix.gif
  7. OST Ear cleaner- Sa KDrama, nakakakilig yung scene lalo na pag yung OST nila, swak na swak sa eksena. Usually, kakaiba and bago talaga yung gawa na kanta nila para lang dun sa series na yun. Sa PH? “KUNG WALAAAAA KA NG MAINTINDIHAAAAN..” New rendition lang nung mga lumang kanta tapos gagawing title nung series tapos yun na yung OST nila! Example? “OTWOL” (Don’t get me wrong, maganda story line ng OTWOL, so far isa sya sa unusual story na meron tayo) kaso, ‘di ba? Yung title nung series nila at “On the wings of Love” anong OST? Shempre! On the wings of love din! -_-
    facepalm

Pwede bang gumawa sila ulit nung gaya ng “My Husbund’s lover, Destiny Rose, The Richman’s Daughter” mga ganon? Unusual story plot? Pwede kaya? Kasi ha, sa ngayon, iniiwasan ko muna manuod ng Teleserye mapa-umaga, hapon o gabi sa TV. Nakakastress sila. ๐Ÿ˜ฆ Gaya nung kina “A love to last”, I don’t have anything na against ako sa story, maganda sya, pero bes.. Nakakagigil na minsan si Miss Iza, I mean, ikaw ang unang gumawa ng kalokohan, ikaw pa galit? Homaygahd. — Wala ng magaan na kwento at medyo brutal na sila minsan. Meron pang 4 yung nanliligaw, tapos biglang naging 8 na. Ano yun? -_- Diyosa? Dinaig pa Encantadia? -_-
eye roll.gif

Sana lang talaga, once na matapos na ako sa MassComm, makagawa ako ng story line na unusual, yun bang magaan pero hindi predictable. Cute cute lang, para pampawala ng stress. Promise, pag ako naging writer, walang kidnapan, walang patayan, walang sabunutan, walang palitan ng anak at kung ano pa man. Utang na loob. Please lang ho. ๐Ÿ˜€