“There are two kinds of love in this world, but never the same love twice”

Sabi yan ni Fritz Gerald, nakuha ko sya sa movie na “That Thing Called Tadhana”. Well, maganda yung meaning for me, that we have kinds of love, being loved and loving the person. Minsan lang talaga, one sided, yung tipong hindi kayang i-reciprocate ka agad. Eto yung feeling na, para ka lang inalok ng pagkain pero hindi ka naman bibigyan. Na para bang binigyan ka ng free taste sa mall tapos nung bibili ka na nung product, ubos na pala.

I just wanted to share how I was so stupid back then to love a person that loves someone else. Nakakagago, nakakainis. Bubulong ka nalang sa sarili “Sh*t g@go, ang tanga mo.”

We started this thing, 5 years ago, gusto ko lang i-share kasi, ito yung pinakamalakas yung impact sa life ko that no matter how hard I try to forget it, meron parin syang pain whenever I have to remember it. Bakit “Whenever I HAVE to remember it?” — kasi, pag hinihingian ako ng advice, I still try to remember the feeling, how it hurts you deep down into your soul and how it tears your heart into pieces. Sa loob ng 3 months na landian, aminado naman ako, ako yung mas nagmahal, kaya ang ending? Ako yung mas nasaktan.

Isipin mo nalang na nakuha mo na yung pinakagusto mong bagay, ‘di ba, once we had to taste the flavor of success and happiness, gusto natin, tuloy-tuloy na? Pero imagine how it sucks to feel na bigla nalang mawawala? Na mapupunta sa iba yung pinaghirapan mo? Damn, ganun kasakit, ganun kabigat. Probably, we are having this kind of notion na “Pag naexperience ko na yung best sa buhay ko, nakakatakot na i-let go, baka kasi hindi na maulit pa.” Kaya tayo naman ‘tong si tanga, habol pa ng habol sakanya.

But please, give yourself a favor. Kung hindi na nakakatulong ang isang bagay o isang tao sa buhay mo and it kills you softly, please.. Bumitaw ka na. Maniwala ka sakin, masakit sa una pero kailangan mo bumigay, kailangan mo ma-experience ang failed relationship for you to experience pain. ‘Wag mo itanong sakin “Bakit kailangan pa natin mafeel yung pain?” — Because it’s part of your life, you need to feel pain, pain is inevitable nga daw, ‘di ba? You have to place yourself in the shoes of someone else sooner, and as you look back on the time you chose yourself over that son of a b*tch guy, you’ll realize “T@ng!n@, tama pala yung ginawa ko, buti nalang.”

Remember this people, life goes on kahit mawala sya. Life will continue its cycle and you won’t die by just merely letting go of this person. Yes, masakit. Pero mas masakit yung araw-araw kang pinapatay. Sabi nga sa kantang “Ikot” ng Stonefree..

“Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo, hindi ‘to hihinto para lang sa iyo”DkMh4T2AGEZ0I.gif

Love story

Love – Noun – A story that deals with love

How can a person say his own ‘love story’? How are they able to say that ‘Hey this is my love story.’ What are their classifications and where do they start to tell their stories? What makes every love story unique from the others?

Love? That’s b*llsh*t, Man. Paano mo masasabing unique ang love story mo at hindi mo lang ginaya yan sa isang teleserye na napanuod mo years ago o nabasa mo sa novel nila John Green at Nicholas Sparks? Paano mo masasabing ang love story mo ay ‘legit na lovestory?’

Sa dinami-dami ng nakafling mo o naka-MU o kung ano pa man ang gusto mong itawag diyan, posibleng maiconsider na ‘love’ na yan. Nagtataka din ako sa iba, pag tinanong mo sila kung ano ba ang love story ng buhay nila, hindi nila alam kung saan sila mag-uumpisa. Ano yun? Dahil sa madami ka ng minahal ate kaya hindi mo na alam kung saan ka mag-uumpisa? Ni hindi nila alam kung sino ang ikwekwento nilang phase ng buhay nila. Tsss, ‘wag ako ‘te. ‘Wag ako.

Yung iba naman, pakipot pang sasabihin na ‘Uy, ‘di pa ako nagkakalovelife, eh’ — o yung mga babae/lalaking sinasabing ‘NBSB/NGSB ako’ — pakielam ko dyan, so never ka pang na inlove? Never pang tumibok ang puso mo sa isang lalaki/babaeng nakita mo sa isang bar o sa church o sa school o pwedeng sa office? As in never pa? C’mon!

Pero pag ako yung tinanong nila kung ano ba ang love storyng buhay ko, napagtanto kong tama pala sila. Totoong minsan, hindi mo na alam kung ano ang ikwekwento mo dahil sa daming beses mo ng nasaktan, nabigo, iniwan sa ere at ginago ng hayop na taong yun na pinangakuan ka na mamahalin ka at ‘di pababayaan pero ngayon halos katabi mo na yung clouds dahil naiwan ka nga sa ere ng hindi mo alam. Hindi ko na rin alam kung sino yung ikwekwento ko dahil sa ngayon, wala namang nagpapasaya sakin, wala namang kumukulit sakin, kaya pag tinanong nila ako, wala din akong maisagot. Pero mali pala ako dun.

Dapat pala, pag tinanong ka kung ano ang love story mo, isipin mo yung panahong naging masaya ka, kung paano ka kinilig sa isang simpleng bagay na nagawa nung taong yun sayo, Kung paano ka ngumiti ng wagas at kung paano mo hinampas yung kaibigan mo sa braso dahil nga sa inlove ka sakanya, isang text lang, kinilig ka na agad. — Ang ikwento mo yung sa tingin mong nagmarka talaga sa puso mo. Hindi lang eto yung basta alaala na nasaktan ka. Siguro, ang totoong love story ng bawat tao ay pwedeng may halos parehong-pareho ng concept, pero magkaiba ng nadama sa panahon na ‘yun. Ang totoong love story ay hindi sa tagal, sa haba ng pinagsamahan at sa kung ano ang ending ninyong dalawa, ang totoong love story ay yung stage na inlove ka, kung ano yung dinaanan nyo nung panahon na yun, kung paano nyo nalagpasan lahat ng hirap. Wala naman sa tagal yan para masabi mong love story na sya. Sus naman, may isa ngang kanta na ‘Isang Linggong Pag-ibig’, eh!

Hindi na siguro importante kung kailan, saan, kung kanino o sino pa ang mga nakasaksi na nagmahal ka, dahil ang importante, nagamit mo yung puso mo, hindi lang basta taga-pump ng dugo sa buo mong katawan kundi nagbigay din sayo ng inspirasyon, kilig at saya. Sayang naman ang oras na meron ka sa mundo kung sasabihin mo saking hindi ka pa nainlove kahit kailan. Hindi ko sinasabing mainlove ka na ngayon, hindi. Ang akin lang, darating yang mamahalin mo, kahit hindi ka pa handa magkwento, kahit hindi ka pa handa magmahal ulit, pero palagi mong tatandaan na ang mga taong nahagkan at ang mga aalalang dumaan ay magiging parte parin ng love story mo. Ikwento mo, ‘wag kang mahiya. Walang masama sa magmahal kahit mag-isa ka lang na nagmamahal, walang masama kung ikwento mong minahal mo yung boyfriend ng bestfriend mo. Walang masama sa magmahal, ang masama lang ay yung babalewalain mo ang dignidad mo para lang dyan. Pre, hindi yun worth it.

Magmahal ka. Magmahal ka ng magmahal hanggang sa matutunan mong mahalin din lalo ang sarili mo. Magmahal ka at magkwento hanggang sa umabot yang kwento mo pati sa mga apo mo. Cherish your time, gamitin ang puso at hindi puro kalandian. Dahil pag nagmahal ka, puro kabutihan ang maiisip mo at hindi puro kabastusan, dahil pag mahal mo, lahat ng best para sakanya at hindi yung makakasira sa future ninyong dalawa.  Magmahal ka at magkwento habang may oras ka pa, dahil pag naubos na yung meron ka dito, sino nalang ang makakarinig ng bawat kwento mo?