“Last na, promise.”

Nasabi mo na ba sa sarili mo yan? Nakipagdeal ka na ba sa sarili mo na minsan mo ng nasabi yung katagang “Last na ‘to, promise.” — Aminado ako, madalas akong makipag-bargain sa sarili ko, minsan pa nga sa pagkakataon.

  • Last na episode nalang, promise.
  • Last na cutting nalang kay Sir, promise.
  • Last na text ko nalang sakanya ‘to, promise.
  • Last na yosi/inom ko na ‘to, promise.
  • Last na lamon ko na yung kanina, magdidiet na ‘ko, promise.
  • Last game na, gagawin ko na thesis ko mamaya, promise.
  • Last chance na, pag ‘di pa sya tumino, iiwan ko na sya, promise.
  • Last rice na, bukas aalisin ko na rice ko sa diet ko, promise! *Calls the waiter and says “Ate limang takal pa po ng kanin”
  • etc. [punyeta]

Merong isang variety show sa Korea [1박 2일] and ang challenge ng episode na yun ay “Quit Smoking Challenge”, 5/6 members ng show ay chain smokers. Sabi nung isa dun “Bago tayo pumunta sa lugar na ‘yun, magyoyosi muna kami for ONE LAST TIME.” [shempre, in Korean po ha. Char] Going back, so ayun ang gusto nilang deal sa director nila, ang sagot naman nung director nila “May nakausap ako na Psychologist, ang sabi nila ang “One Last Time” na deal ay hindi effective para magbago.” Natawa nalang ako.

facepalm.gif

Akala siguro natin, once we had this thing for ONE LAST TIME, mababawasan yung pagkamiss natin sa isang bagay, para ba masabi mo na sa sarili mo atleast bago man lang mag-cut-off ang lahat, may last memory ka sakanya/dun sa bagay na yun. Pero gaya nga ng sabi nung director, hindi effective yun.

If you wanted to change something, do it NOW. Alam kong hindi madali pero, kailan mo susubukan? Kung hindi ngayon, kailan? May mga justifications ka pa kasing magagawa nyan in case na hindi mo gawin ngayon eh unlike pag nagawa mo na sya ng no buts, no ifs, matutupad mo kasi you didn’t promise, you just did it and for me, mas effective sya. ‘Wag mo na din kami idamay sa mga kasinungalingan mo, ‘wag ka nalang mangako.

 

Panahon

Perfect timing. Yan ang kulang sa bawat pagkakataon na namimiss natin sa buhay natin. “Kanya-kanyang oras lang yan!” — Yan nalang iniisip ko. Na hindi lahat ng bagay na gusto ko, nakukuha ko. Na kung kailan ko gustuhin, makukuha ko na. Minsan, hayaan mong Diyos na gumawa nung mga bagay na ‘di mo kayang kontrolin. Minsan humiga ako sa kama ko, naisip ko “Grabe, ang bilis ng oras. Para tayong hinahabol ng oras, panahon at pagkakataon.” — Alam mo yun, sa kakaisip mo sa mga bagay na kailangang gawin, ayusin, unahin, puntahan, mga deadline na kailangan ma-meet, minsan sarili mo na yung nagiging dead. Masyado tayong nagmamadali sa mga bagay. Madami tayong gustong gawin, mga bagay na gustong maabot, mga pangarap na gustong mapagtagumpayan, pero nalilimutan nating huminto sa takbo ng oras.

Minsan, mas iniisip natin ang iba, yung ikabubuti ng iba, ang iisipin nila, pero yung ikaw, sa sa sobrang kakahabol mo sa karerang hindi mo naman alam ang kahahantungan, kung kailan at saan matatapos, minamadali natin lahat ng bagay. Oo, masasabi kong nagdadasal ka, to stop for a while and talk to the Creator. Pero, naisip mo na bang kumustahin kung “Kumusta ka na ba talaga?”

Sa sobrang kakaisip, mabilis nalang dumadaan ang mga araw, nalilimutan mo ng i-enjoy ang moment. Bakit nga ba hindi mo yakapin yung pagkakataon habang hawak mo pa sa mga kamay mo yan? Bakit hindi mo i-seize ang moment na pwedeng-pwede naman? Bakit ka nagmamadaling i-fast forward ang buhay mo? Bakit hindi mo yakapin yung mga kasiyahang andyan na sa harap mo, magtatanong ka pa kung “Bakit kaya ako masaya ngayon?” — Hawakan mo ang kamay ng Diyos, lalo na sa mga pagkakataong mas mahirap humawak sakanya. Maniwala ka sa sarili mong kaya mo, lalo na sa mga pagkakataong pakiramdam mong wala ng maniniwala sayo.

Inayos tayo masyado ng paniniwala natin sa “Leap of faith.” Sa sobrang bilis nito, nalimutan mo ng mabuhay. Pero, paano mo malalaman na perfect timing na kung masyadong mabilis ang lahat? YOU  NEED TO FEEL THE TIME. MAG-AKSAYA KA NAMAN KAHIT 15 MINUTES OF YOUR TIME.

Perfect timing, leap of faith, destiny, meant to be, oo– iisa lang naman ang bagsak nyan, sa oras na hindi mo hawak kung kailan. Kaya i-surrender mo nalang yung worries mo sandali humiga ka sa kama mo, pumikit ka, damhin mo ang bawat hininga at pagtibok ng puso mo, saka mo kumustahin ang sarili mo sa nakaraang panahon. Makikita mong mas matatag ka na ngayon, mas malakas at mas alam mo na ang ginagawa mo. Dahil sa konting panahon na ibinibigay mo sa sarili mo, para kang nag-flashback sa panahong hindi pa ganun kahalaga ang oras na meron tayo.