Extended College Life

I’m kinda tired of hearing these phrases:

“Ilang taon ka na, ate?”
“Nakailang taon ka na sa college?”
“Hala ang tanda mo na pala!”

200.gif

Guys, believe it or not, kahit sinong tao hindi gugustuhin mag-extend ang college life nila. Never ko ata naisipang mag bulakbol ever since dahil yung nanay ko, alamko yung pagod at hirap na dinaanan nila, tapos ang masakit pa dito minsan naiisipan ka pa na “Siguro tamad mag-aral o kaya naman bobo sya.” Not everyone na naextend sa college ay bobo po, hindi ba pwedeng hindi lang namin gusto yung ginagawa namin kaya kami nasstuck sa college?

Yes, I admit, 7 years na ako sa college ngayong June but atleast this will be my last semester. Nakakapagod na kaya isipin yung “Shet, may pasok pa bukas. — Ang dami pang isa-submit next week. — May shooting na naman? — Nakapasa na ba kayo ng assignment? Hoy paprint!” But my extended college life was a grace, hindi naman ako nagsisisi na medyo nalate ako magshift and stuff like that, yung oras lang talaga yung sayang. Pero everytime na maiisip ko na this is the sem na totoong “Graduating – Grad-waiting” stage ko na talaga, ang bigat sa feeling na hindi ko na kayo makakasama ng mas mahaba pa. Para bang feeling ko, dadaan nalang ang first sem, matatapos sya at voala! Hello PICC na. When all good things come to an end, I have to let go, at ngayon palang (May palang, bakasyon palang, nalulungkot ako to realize that bawas na ang oras natin para magbond ulit). Pero never naman ako mawawala, kami ni Joyce, andito lang kami para sumoporta sainyo whatever happens.

To you my loving CommBesties (Joyce, Cha, Alex, Ali)

You’ve always been my favorite people in Adamson, alam nyo yan, and you’ll always be part of it whatever happens. Kahit na tinatamad akong pumasok paminsan-minsan lalo na’t mainit, walang prof o walang gagawin sa school, minsan talagang sinasadya ko nalang pumunta para lang makita ko kayo, dahil hello, anong gagawin ko sa bahay namin? Magpapalaki ng… braso? Charot. Hahaha! Sabi ko nga sainyo, mas masarap pumasok sa school lalo na kasama mo yung mga closest friends mo, para bang easy-easy lang na dumaadan ang 5 hours na vacant ng hindi natin namamalayan. Thank you for always being so supportive and caring as if ang tagal na nating magkakasama. Thank you for not letting me sink into my deep emotions when I’m about to dive with it, thank you for saving me like a life vest sa extended college years ko. I am more than thankful to have you as a ‘CommBesties’.  Salamat sa patuloy nyong pagpapaalala sakin na hindi karera ang college life, hindi ito paunahan grumaduate, ang importante, gragraduate. Sorry din if there are times na hindi ko kayo maintindihan at ‘di ako makasabay sa trip nyo sa buhay, pasensya na matanda na kame. (charot). Sorry kung minsan ang hilig ko mag-rant, palamura, sadista and stuff like that. I will not be complete without these traits, you know. Hahaha. Madami akong gustong ipagpasalamat sainyo, bilang kayo ang kasama ko sa araw-araw na almusal, tanghalian, meryenda, extra snack time at hapunan, para ko na kayong pamilya, never nyo kong tinuring na ibang tao. Magkasama bumili ng pagkain (puro kainan kasi e no haha), mga make up (kahit ‘di ko talaga trip ang make up), mag-papaedit at nagpapaturo mag-edit kahit super nahihilo na ako kaka-adjust, magkasamang nagpahaba ng pasensya para sa mga patience eater nating kaklase, napagod na sa termna “STRESS” hays. (Hi Ali, sana binabasa mo din ‘to) hahahaha! Sabay-sabay tayong humarap sa heartbreaks ng bawat isa, at sabay ding nag-move-on at tumayo ulit sa sariling mga paa. Salamat sa wantusawang kwentuhan, tawanan sa loob ng bilog na mundo natin. Salamat sa tiwala, unawa at higit sa lahat, sa pinagsamahan natin. To more walwal and kape soon, I’ll always be here for you. I love you, guys. ❤

So much love,

Mamshie Mother Hen, Carla ❤

Advertisements